Buhat ng tayo’y nag mahalan,
Nag sumpaan hangang kamatayan,
Di maghihiwalay kahit kailan man,
Ang iyong pangako aking panghahawakan.
Tulad mo’y hangin na kay sarap langhapin,
Araw araw walang hangad kung di kaw ay yakapin,
Di pansin kung ano man ang kanilang sabihin,
Iyan lagi ang isinisigaw ng puso at damdamin.
Tulad ng daloy ng tubig sa batis ang pag ibig natin,
Bawat sandaling lumipas mahalaga sa atin,
Dahil sa ating pag iibigan lahat ay kakayanin,
Ang ating sumpaan laging nating tutupdin.
Lahat ng ito’y sa kabilang buhay nalang nating tuparin,
Sapagkat wala ng karapatan na ikaw ay mahalin,
Ang ating mga sarili wag ng paasahin,
Ang pagmamahalan dapat ng limutin.
Ang ating nararamdaman walang kapupuntahan,
Ako , ikaw wala ng karapatan sa ganitong kaligayahan,
Kaya naman wag ng bigyan ng katuparan,
Ang mga pusong uhaw sa kaligayahan.
Kaya naman turuan ang puso at isipan,
Na limutin ang maling pag mamahalan,
Ito ang magiging daan ng tunay na kaligayahan.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment