Thursday, October 20, 2011

KARUGTONG NG KAHAPON

ni: Rhea Hernandez


Noon tayo ay mag kaeskuwela sa high school di mo alam gusto na kita,
Crush kita ito’y aking itinago , iningatan sa aking puso at ala ala,
Alam kong di mo ito batid sapagkat ito’y pinakatago tago ko sinta,
Kung ito bay aking pinabatid sa iyo magkakaroon kaya ng pagkakaiba?

Naging malaking katanungan sa aking puso’t isipan ko ito?
Mahalin mo rin kaya ako tulad ng pagmamahal ko sa iyo ?
Di kaya masaktan din ako sa bandang huli? Mayroon kaya mabago?
Lalu na kung malaman mo ang lihim ng aking pinag ka tago tago!

Nag kahiwalay tayo pag katapos ng graduation hinanap ang kapalaran,
Sa mahabang panahon nagdaan kay raming kong naging karanasan,
Kung iyong tatanungin bakit itong mga kalungkutan aking pinagdadaanan?
Ito rin ang aking tanong bakit laging sugatan ang aking puso ala ng katapusan?

Kaya naman ang aking buhay ini aalay ko na lang sa paglilingkod sa kapwa,
Ang paglilikod sa mga taong na ngangailangan dito ko nakakamit ang ligaya,
Sa ngayon ito ang aking pag ibig di makamundo pagmamahal aking nadarama,
Paglilinkod sa Panginoon ang aking pag ibig ,dito ko nadarama ang pagiging Masaya.

Ang facebook ang naging daan para muli tayo nagkaugnay at muling nagkabalitaan,
Salamat sa facebook nagkaroon muli ng pagkakataon magkalapit at maging mag kaibigan,
Nasabi ko syo na crush kita noon high school pa tayo salamat sa FB tayo’y
nagkatalastasan,
Sa araw araw pinapadalhan mo ako ng mga mensahe na nagbibigay sa akin ng kagalakan.

Nag papasalamat ako pag kalipas ng mahabang panahon muli tayong nag kakabalitaan,
Di ko akalain masabi ko sa iyo ngayon ang mga lihim na pinag katagutago nakaraan,
Lagi mong sinasabi nababakas mo ang aking kalungkutan sa aking mga mata sa larawan,
Sa tuwina makakausap kita’y saglit kong nalilimutan ang aking kalung kutan.

Di ko alam kung hangang kailan itong aking nadaraman kaligayahan,
Ang aking dasal sanay lagi kang nandiyan di ako iiwan kung ako’y nangangailangan,
Sanay lagi kang nakaalalay at nakaagapay sa akin sa oras ng aking kalungkutan,
Huwag ka sanang magbabago at huwag punuin ang puso’t isipan ng mga alinlangan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment