Wednesday, October 19, 2011

SA AKING SISTER EULALIA

ni: Rhea Hernandez


Kasi ako'y ordinaryong may bahay lang din,
Ikaw itong daming negosyong dapat harapin,
Talagang ganyan ang mayaman, maraming isipin,
Wag mag alala pag uwi ko tutulungan kitang gastahin

Ala kang dapat sa akin linawin,
Wag mong sabihin sa isipan ko'y alisin,
Na ikaw tunay na donyang itinuturin,
Ang sinabi ko'y di biro totoo ikaw ay donya na rin.

Alam ko rin ang mansion dapat linisin,
Sa luwang niyan hirap mag isang walisin,
Kaya kung ako sa iyo wag mag isang pasanin,
Baka dumating ang araw ikaw ay hikain.

Di ko inaalis ang bilin ni inang na iyong sundin,
Wag mulang ang sarili abusuhin,
Ang sabi mo nga ikaw wag takutin,
Talaga namang hirap gampanan ang gawain.

Kahit ikaw si wonder woman susuku rin,
Kaya naman sa akin sinabi wag sisihin,
Nag papaalala lang , dahil mahal ka sa akin,
Sa lakas kumita sana'y bawasan at gastahin.

Gaano na lang tawagin si inday at pag labahin,
mag kano ba ang bayad ? kounti lang ang babawasin,
Sa mga salapi/ kuarta sa iyong kikitain,
Ito ang aking gustong ipahiwati at ibig sabihin.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment