Wednesday, October 19, 2011

PAG SUBOK SA BUHAY

ni: Rhea Hernandez

Isang araw nagkaroon ka ng karamdaman,
Ito’y hindi natin inaasahan,
.Kaya lagi ka sa pagamutan,
Alam natin ito’y malaking gastusan.

Wala akong dasal sa Poong Maykapal,
Sana’y gumaling ka na aking mahal,
Pagsubok buhat ng tayo’y ikasal,
Aalagaan kita ng aking pagmamahal.

Lahat ng inipon sa ating lukbutan,
Inilabas para sa mahabang gamutan,
Walang halaga para ito sa iyong kaligtasan,
Huwag mag-alala aking mahal di kita pababayaan.

Lagi kong sinasabi huwag mag-alala,
Perang gagastusin ako ang bahala,
Lingid sa iyong kaalaman di alam saan kukuha,
Malaking halaga na ating ginagasta.

Sa mahabang gamutan di malaman,
Ang dahilan kung saan ,
Nanggagaling ang iyong karamdaman,
Kailangan yata espesyalista ang puntahan.

Kaya naman tayo’y lumuwas ng Maynila,
Kakatanong tayo’y may nakita,
Magaling na doktor sabi nila,
Kailangan maghanda ng malaking halaga.

Noong sabihin ng doktor ang halagang kailangan,
Ako’y napaisip ng di ko namamalayan,
Saan kukunin ang perang kailangan,
Di bale basta sa iyong kaligtasan.

Kailangang gawan ko ng paraan,
Kahit anong mangyari kailangan,
Dito nakasalalay ang buhay at kamatayan,
Nang irog kong minamahal ng lubusan,

Itinakda ang iyong operasyon,
Wala akong ginawa kundi ubusin ang panahon,
Sa pananalangin at pagsusumamo sa panginoon,
Na gawin niyang matagumpay ang gagawing yaon.

Naging matagumpay ang gamutan,
Ikaw ay gumaling sa iyong karamdaman,
Ang Diyos ang unang aking pinasalamatan,
Ang aking asawa hindi nya pinabayaan.See More
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment