Wednesday, October 19, 2011

MAHAL NASAAN KA??

ni: Rhea Hernandez


Lumaki ka ng salat sa anumang yaman,
Ikaw ay nag dalaga at naligawan,
Nang isang lalaking dayuhan,
Sa di inaasahan kayo’ nagmahalan.

Nag sama kahit walang naging kasalan,
Ang unang anak dinala sa sinapupunan,
Ito’y bunga ng inyong pag mamahalan,
Ang inyong kaligayahan walang pagsiglan.

Isang araw iyong nagisnan,
Ang mahal mong asawa ay lilisan,
Pangako niya ikaw ay babalikan,
Ang kanyang pag babalik iyong pinanabikan.

Lumipas ang maraming araw di mo sya nasisilayan,
Sa iyong mukha ang pananabik ay lumarawan,
Ang iyong pag alala walang pag siglan,
Ang pag ibig nya ang tangi mong pinaghahawakan.

Sa iyong pag iintay di mo maiwasan,
Ang mahal mong asawa wala na yatang balak kaw balikan,
Tuwing maaalala nag hihimagsik ang iyong isipan,
Nag pupumiglas ang iyong kalooban.

Ngayon ikaw ay tampulan ng usapan,
Sadya kaya ikaw ay iniwan,
Ano ang kanyang dahilan,
Wala naman kayong pinag aawayan.

Ngayon ito’y isang malaking katanungan,
Nasaan na ang iyong asawa lumisan,
Siya bay ala ng balak ikaw balikan,
Ang pag iintay mo’y wala na bang katapusan?
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment