Wednesday, October 19, 2011

WAGAS NA PAG IBIG

ni: Rhea Hernandez


Araw ng pasko ng tayo’y nagkakilala,
Kaibigan umakyat ng ligaw kasama ka,
Doon nagtama ang ating mga mata,
Nag-umpisang sumibol ang iyong pagnanasa.

Mga ilang araw ang dumaan ,
Buhat noon ako’y iyong nasilayan,
Nabighani sa aking kagandahan,
Ikaw ay nagparamdam na ako’y iyong liligawan.

Ang pag-ibig mong tunay iyong pinadama,
Pakiwari ko’y ubod ka ng saya,
Ito’y pinaparamdam mo pag tayo’y magkasama,
Kaya naman ako’y parang nasa langit na.

Di naglaon pag-ibig binigyan ng katugunan,
Doon ko namalas ang iyong kasiyahan,
Sa bibig nasambit ang iyong kaligayahan,
Ipinangakong ako’y iyong paglilingkuran.

Mga pangako ng pag-ibig aking panghahawakan,
Hinding-hindi magbabago kahit kailan,
Pag-ibig ko’y iyong pagkaingatan,
Habang nabubuhay hindi tatalikuran.

Kahit sa panaginip ikaw ang laman ng isipan,
Ang iyong kagandahan ibig laging pagmasdan,
Ikaw lang iibigin magpakailanman,
Kailanman di magbabago ang sumpang binitawan.

Isang araw ikaw nagpaalam,
Humanap ng ibang kapalaran,
Kaya naman ikaw nangibang-bayan,
OFW ang iyong kinasadlakan.

Tanging pinanghahawakan ako’y iyong babalikan,
Dalawang taon ang iyong paalam ng ikaw ay lumisan.
Kayhirap ng aking pinagdaanan,
Araw at gabi di ka nawawaglit sa isipan.

Dalawang taon singkad ang lumipas at nagdaan,
Pagbalik mo ay aking kinasasabikan,
Para ihanda ang magarbong kasalan
Araw na pinakahihintay ikaw nasa aking harapan.

Sumpaan natin di magmamaliw magpakailanman,
Pag-ibig na wagas nagkaroon ng katuparan,
Magsasama na tayo sa buhay at kamatayan ,
Ang pag-ibig natin kay ganda ng kinalabasan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment