Ito’y buhay at pag ibig ng isang OFW sa
Sa tindahan ni lola doon mo ako unang nasilayan,
Buhat noon ang aking angking kagandahan di nalimutan,
Araw araw panay pasyal mo sa harap ng aming tindahan,
Noong una halos di ko pansin ang iyong ka guapuhan.
Sa wakas dumating ang sandali kaw nag kalakas loob na ako’y lapitan,
Nag pakilala at sinabing ako’y iyong gustong maging kaibigan,
Sa iyong pag lapit pinahanga mo ako sa lakas ng loob na ako’y lapitan,
Kahit bantay sarado ako sa aking lola ikaw di nag pakita ng kahinaan.
Pero ikaw unorder ng maiinom para mayroon kang dahilan,
Kakampi ang Redhorse para lumakas ang iyong loob makipagwentuhan,
Ipinagtapat ko sa iyo ako’y mayroong malungkot na nakaraan,
Ikaw din pala hiwalay at mayroong dalawang anak akin nalaman.
Ikaw palay dalawang taon ng hiwalay sa iyong asawa,
Kaya naman ipinagtapat ko na rin na ako’y isang dalagang ina,
Buhat noon lagi kanang sa aking bahay ay nagpupunta,
Di nagtagal ang ating ugnayan natuklasan ng aking ama.
Kahit ayaw nila sa iyo patuloy parin sa pag akyat ng ligaw sa akin,
Sa unang pag kakataon mayroon uli isang lalaki na naghayag ng pagtingin,
Pero anong saklap ang ating relasyon nakarating sa aking ama at tiyuhin,
Ayaw nila sa iyo dahil may asawa kana at ako’y daw iyong lolokohin.
Sabi ni ama ikaw aking iwasan at ako’y iyo din iiwanan,
Kaya sinabi ko syo ikaw ay tumigil na wag na akong ligawan,
Pero mapilit ka di tumigil lagi mo pa rin akong pinupuntahan,
Sa pag kakataon ito ikaw naging masigasig di mo ako nilubayan.
Kaya naman kahit labag sa kalooban ikaw ay aking iniwasan,
Sadyang yatang tunay ang iyong pagmamahal di mo ako tinigilan,
Isang araw malakas ang ulan ako’y iyong inabangan sa ulanan,
Isang araw ako’y bumigay at ako’y iyong naangkin ng tuluyan,
Akala ko ngayon nakuha mo na ang lahat sa akin ako’y iyong iiwanan,
Pero lumipas ang mahabang panahon lalu lang tumibay ang pagmamahalan,
Ang sabi mo pa nga habang mayroon kang hininga ako’y iibigin paglilingkuran.
Sa mga binitiwan mong mga salita para akong umakyat sa kalangitan,
Sa mga sandaling iyon yakap yakap mo ako na ayaw na akong bitiwan,
Sabi mo nga ako ang pangalawa at huling mong mamahalin aking tandaan,
Ipinangako mo sa akin ako na lang ang mamahalin mag pakailanman.
Pero ang ating pag mamahalan sinubok ng isang di inaasahan,
Nag trabaho ako sa
Mayroon akong nakilala isang lalaki at ikaw aking pinagtaksilan,
Ako’y naging marupok sa ating pag iibigan at nakalimot sa sumpaan.
Kaya noong iyong nabalitaan ikaw aking nasaktan di ko namamalayan,
Sinubukan mong mag mahal din sa ibang babae at bagong kasintahan,
Subalit ang relasyon ko sa ibang lalaki di nag tagal ako’y pinaglaruan ,
Ikaw ay ganoon din ang inyong pagsasama di nagtagal sya hiniwalayan.
Kahit wala na tayo ikaw ay aking parin kinakamusta at tinatawagan,
Pag ikaw nalalasing ang lagi mong sinisigaw ang aking pangalan,
Kaya mula noon tayo’y muling nagkabalikan at nag kaunawaan.
Nalalapit na ang sandali ako’y babalik na sa bayang sinilangan,
Ang sabi mo sa pag uwi di mo na ako papayagan muling lumisan,
Mag sasama muli tayo at di na mag hihiwalay hanggang kamatayan,
Kaya naman ako’y nasasabik na dumating ang oras ng ating pagbabalikan.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment