ni: Rhea Hernandez
Ako’y maaga nag asawa sa edad 21 sumabak sa magulong buhay.
Kay dami kong naging karanasan di ko malilimutan tunay.
Unti unti ang aking isipan pinahinog ng panahon at pinatibay.
Sa mga panahong ito natutunan makibaka sa kahulugan ng buhay.
Ang pag aasawa pala di tulad ng aking mga nababasa ito kaiba.
Kailangan harapin ang mga problema na di mo akalain makaya.
Mga pagsubok na halos ako malugmok di namakatayo na mag isa.
Subalit di sumuko ito nakayanan kahit pagapang binuno nakaya.
Ang pinaka masaya pala sa pag aasawa ang tinatawag nilang pulot gata.
Ang unang taon na pag sasama di pa nalalambungan ng mga problema.
Pero habang tumatagal napupuno ng mga suliranin mga araw magkasama.
May mga di mapigilang pagtatalo sa tuwi tuwina minsan mga sigawan na.
Kahit sa kaibuturan gustong marinig ang katotohanan sa kanyang paliwanag.
Dumadating ang pagkakataon na mayroon mga sandali di ko maipaliwanag .
Ano bang klaseng buhay itong aking pinasukan may asawang sinungaling.
Natatandaan ko pa kung kailan ating pagsasama naging magulo.
Di pa nagtatagal ang ating buhay may asawa ikaw sa babae natukso.
Noong aking nabatid di ko malaman ang gagawin mundo ko huminto.
Kahit anong ang pilit ko sa iyo di kita mapilit sabihin sa akin ang totoo .
Lagi mong pinapangako sa akin ako lang walang ibang mamahalin.
Kahit anong pilit ko sa aking sarili di ko magawa ikaw aking intindihin.
Sarado ang aking puso at isipan sa pag unawa sa iyong ginawa sa akin.
Para sa ating mga anak ikaw aking pinilit pagbigyan at patawarin .
Pinatunayan mong ikaw nagsisi na sa harap ko’y lumuhod nag makaawa,
Sino naman ako para di mag patawad sa taong nagsisi sa kanyang ginawa.
Binigyan kita ng pangalawang pag kakataon wag mong sayangin sana .
Pinakita mo at pinadama na ikaw nag bago na bakit ganoon ang nadarama.
Sa puso ko may nag bago ang naglalagablab kong pag ibig nasaan na.
Katulad ng dati ang marubdob kong pagmamahal nag laho parang bula.
Ano ang aking gagawin gusto ng katahimikan sa aming pagsasama.
Kaya binalewala ang nararandaman para sa aking pamilya lumigaya.
Di nag laon ang magulong pamilya naging tahimik at maayos tuwina.
Sa pag bibigay ko ng pangalawang pag kakataon pamilya ay lumigaya.
Di mo matatawaran ang kaligayahan nakamtam sa aking pag paparaya.
Ang mabigyan ng tahimik na pamilya ang mga anak ay nagdudulot saya.
Dito aking natutunan ang ginintuang aral ng buhay may asawa para lumigaya.
Di lahat ng pag kakataon puro sarap ang madarama minsan mapapatulala ka
Kung minsan may kasama pang suntok at dagok sa inyong pagsasama tuwina..
Ito’y iyong malalampasan manalig ka lang at isipin ang kinabukasan nila
Kailangan lang pala mag paraanan upang ang sigawan at kaguluhan maiwasan.
Katahimikan ng pamilya sa pagbibigayan at pag uunawaan doon masusumpungan.
Kung alang awayan nagaganap ang katahimikang inaasam maging makatotohanan.
Ang masaganang pamumuhay ay iyong makakamtamtam kung nag dadamayan..
Ngayon masasabi ko ang pag aasawa ay isang partnership na pinagtutulungan.
Kung isa lang ang nag dadala at lumalaban alang kakapuntahan ang samahan.
Ang pag dadamayan sa loob ng pamilya at pag mamahalan ito ang tahanan.
Tahanan na lupos ng tuwa at ligaya sa bawat sandali ng kanilang pag dadamayan.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment