Thursday, October 20, 2011

NANG IBIGIN KITA

ni: Rhea Hernandez


Buhat noong iyong nasilayan ang aking kagandahan,
Di mo na ito makalimutan lagi na sa iyong isipan,
Tandang tanda mo pa kung ano ang aking kasuutan,
Sabi mo pa nga parang akong anghel na bumaba sa kalangitan.

Di mo batid kaw ay di ko gusto at aking kinaiinisan,
Ito’y lingid sa iyong kaalaman,
Sabi ko sa aking sarili hindi kita magugustuhan,
Ito ang mga salitang aking binitawan ,

Ang aking kapatid ang iyong kinaibigan,
Para mapalapit sa akin ang iyong dahilan,
Lagi mong sinasabi na sana’y ikaw pagbigyan,
Kaya naman di kita maiwas iwasan.

Dahil sa iyong pagtitiyaga at kakulitan,
Ang matamis kong kasagutan iyong napagtagumpayan,
Buhat ng kitang sinagot di pa katagalan ,
Iyong inihayag handa mo na akong pakasalan.

Inihanda ang ating araw ng kasal sa simbahan,
Anong ligaya ko ang aking naramdaman,
Para akong nasa langit ng kaligayahan,
Ganito pala ang iyong magiging pakiramdam.

Habang tayo’y kinakasal halos himatayin sa loob ng simbahan,
Sabi mo nga pakiramdam mo para naabot mo na ang kalangitan,
Ikaw napaluha sa ala kang mapagsiglan ng iyong nadaramang kagalakan,
Bubuo tayo ng isang masayang pamilya na hitik sa pag mamahalan.

Sa harap ng altar ito ang ating binitawang sumpaan,
Siya kong panghahawakan hangang sa aking kamatayan,
Hangang ako’y nabubuhay ikaw ay aking paglilingkuran,
Ito ang aking sumpang binitawan noong ikaw aking pinakasalan.

Walang anuman ang makakasira sa ating pag mamahalan,
Sa tulong ng poong maykapal lahat ng problema mapaglalabanan,
Kahit anong pag subok basta kasama ka mapagtatagumpayan,
Ito ang aking ipinangako sa harap ng altar di ko malilimutan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment