Thursday, October 20, 2011

IKAW NASA PUSO NOON AT NGAYON

ni: Rhea Hernandez


Ang aking pong tulang isusulat ngayon para sa isang bagong kaibigan.
Ayaw niyang pabangit kung ano ang kanyang tunay na pangaglan.
Isa siyang domestic helper sa Hongkong sa inyong kaalaman.
Gusto  niyang ibahagi ang masalimuot niyang kasaysayan.

Nag karoon sya ng isang kasintahan at sila’y nagmahalan ng lubusan.
Kaya ipinasya nilang mag pakasal kahit di nagsasama sa isang bubungan.         
Siya ay   binigyan ng isang anak na lalaki lumaki sa kanyang kandungan.
Anong ligaya niya noong ito ay lumabas  sa kanyang sinapupunan.

Sa kanyang anak ibinuhos ang lahat ng atensyon, siya ang kayamanan.
Siya ay lumaki magalang, mabait,mapagmahal sya niyang kaligayahan
Siya ang nagbibigay  ng lakas ng loob upang harapin ang katotohanan.
Kaya naman kanyang gagawin ang lahat para sa kanyang kinabukasan.

Kahit ang kanyang asawa ay sakit ng ulo , pambabae ang inaatupag lagi.
Siya yong tao na  iresponsableng lalaki ,bakit pinakasalan , siya’y nagsisi.
Minsan naitatanong niya  sa kanyang sarili bakit ang puso  sya ang pinili.
Ang kanya bang puso ang dapat bang tanungin kung bakit siya na lang lagi.

Ang kanilang anak na ang umaayaw sapagkat ayaw niya siya ay masaktan.
Kahit alam mong gusto niyang mabuo ang inyong pamilya naturingan.
Sapagkat ang kanyang amang ang dahilan, natitikman ang kalungkutan.
Sa kaibuturan ng kanyang puso pag iyong binuksan sya pa rin ang nilalaman.

Subalit ano ang kanyang magagawa mayroon na siyang ibang minamahal
Ano ang gagawin, di na siya  ang itinitibok ng kanyang puso kahit kasal.
Gusto na niyang alisin sa kanyang sistema di magawa siya naman taksil.
Talagang ganito ang umibig masakit, mahapdi, makirot para sa minamahal.

Kahit nahihirapan yaring puso ,patuloy paring ang pagtibok sa pag ibig.
Kahit anong isip di maintindihan bakit di maipaliwanag ikaw nahumaling..
Sadya bang ganito ang mag mahal kung minsan puso isang sinungaling.
Ang iyong pinaguukulan ng pagmamahal ibig  marinig na ikaw iniibig.

Subalit ito’y isa nalang pangarap dina magkakaroon ng isang katuparan.
Paano pa pagsasamahin ang dalawang pusong winasak ng kapalaran.
Kahit sa puso mo ito’y iyong pinanabikan at dinadalangin pahalagahan.
Pero sa iyong isipan alam mong dinakayo magkakabalikan kahit ipaglaban.

Sapagkat ang marubdob niyang pagmamahal tinangay na ng panahon.,
Sapat na minsan minahal mo sya di na ito mabubura sa inyong kahapon.
Kahit ang pag ibig na inuukol sa kanya di mo na maramdaman ito’y nabaon.
Isipin mo na lang ang mahahalagan araw na pinagsamahan lalagi naroon.

Kahit alam mong marami ding di magandang nangyari sa pagmamahalan.
Marami pa ring masasayang pinagsaluhan  ito na lang iyong binabalikan.
Ito mamalagi sa puso’t isipan habang ikaw nabubuhay dito sangkalibutan.
Mananatili ang iyong pag mamahal sa kanya kahit walang itong katugunan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment